VATICAN (AFP) – Binatikos ni Pope Francis kahapon ang tila naging pangkaraniwan nang pang-iinsulto sa kapwa, halatang tinutukoy ang mga misteryosong pag-atake sa kanya kamakailan.

Sa lingguhan niyang talumpati sa Angelus, binigyang-diin ni Francis ang kautusan ni Jesus na, “Thou shalt not kill.”

Ayon sa kanya, hindi lamang ito patungkol sa aktuwal na pagpatay sa tao, “but also to those behaviors which offend the dignity of the human person, including insulting words.”

“We are used to insults,” aniya. “It is like saying, ‘Good morning’.”

Internasyonal

Ex-US Pres. Joe Biden may 'aggressive form' ng prostate cancer

Ngunit ang sinumang nang-iinsulto sa kanyang kapatid “kills that brother in his heart,” dagdag ni Pope Francis.