ni Marivic Awitan

Ginebra's Sol Mercado drives against Star Hotshots' Paul Lee and Rafi Reavis (Rio Leonelle Deluvio)
Ginebra's Sol Mercado drives against Star Hotshots' Paul Lee and Rafi Reavis (Rio Leonelle Deluvio)
Laro Ngayon (MOA Arena)

7 n.g. -- Ginebra vs Star

SAGAD na sa pagkakasandal sa pader, wala ng ibang aksiyon ang Ginebra Kings kundi ang lumaban upang mapanatiling buhay ang tsansang umusad ng Finals.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nabaon sa 0-2, tatangkain ng Kings na mahila ang best-of-five semifinal series sa pagsabak sa Star Hotshots sa Game Three ngayon. Nakuha ng Star ang bentahe nang pabagsakin ang Kings sa Game 2 nitong Sabado, 89-91.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Star Hotshots upang pormal na makuha ang unang finals berth na sisikapin na nilang gawin ngayong ika-7 ng gabi sa Game 3 sa Mall of Asia Arena.

Bagama’t naiiwan ng dalawang laro, hindi pa rin susuko ang Barangay Ginebra.

“It’s not over. We’re down two games, it takes four to win.But we’re not gonna give up.We’ll keep on trying,” pahayag ni Jayjay Helterbrand.

“We always do it the hard way.We’ve been doing it the hard way the whole conference,” aniya.

Magandang balita rin para sa Kings ang posibleng paglalaro ng big man na si Joe Devance para sa kanilang koponan ngayong Game 3 base na rin sa kumpirmasyon ni coach Tim Cone.