NEW YORK (AP) — Ipinahayag ni Madison Square Garden chairman James Dolan ang pag-banned kay Charles Oakley sa arena nitong Biyernes, kasabay ang pahayag na bukas siya sa pakikipagbati sa dating Knicks star.

Charles Oakley (AP Photo/Chuck Burton, File)
Charles Oakley (AP Photo/Chuck Burton, File)
Sa panayam ng ESPN Radio’s Michael Kay, sinabi ni Dolan na inalis din niya sa serbisyo ang Garden’s security chief, dalawang gabi matapos nitong sapilitang paalisin si Oakley sa kanyang kinauupuan at ipaaresto sa kasong ‘assault’.

Ayon sa Knicks management, naging abusado si Oakley sa kanyang panonood sa laro ng Knicks at Los Angeles Clippers nitong Miyerkules. Anila, nagsumite ang mga witnesses ng katibayan sa panggugulo umano nito.

Iginiit naman ni Oakley na wala siyang ginawang masama at nilabag na patakaran ng arena at kagyat na nagpasalamat sa kanyang mga tagahanga sa suportang ibinigay sa kanya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naisumite na umano sa The Associated Press ang isang minutong security video nang kaganapan na pinagsimulan ng pakikipagtalo ni Oakley sa mga security personnel.

Ayon kay Dolan, nagbitaw ng pananalita na ‘racial and sexual overtone’ si Oakley.

“We are going to put the ban in place and hopefully it won’t be forever,”pahayag ni Dolan.

Bunsod ng kaganapan, umani ng pambatikos si Dolan mula sa dati at kasalukuyang NBA player, kabilang ang mga beterano na nakalaro ni Oakley sa kanyang kapanahunan.

“This is not just a day-before-yesterday incident. We’ve had a relationship with Charles since he retired and left the Knicks, right, and every time we have tried, right, to do, to patch things up with him, to mend things with him, we invite him to games, that every time it ends the same way, right: abusive, disrespectful,” sambit ni Dolan.