PYONGYANG (AFP) – Kinumpirma ng North Korea kahapon na naging matagumpay ang pagpakawala nito ng ballistic missile, na itinuturing na hamon kay bagong US President Donald Trump.
“A surface-to-surface medium long-range ballistic missile Pukguksong-2… was successfully test-fired on Sunday,” sabi ng KCNA news agency ng estado, inilarawan ito na isang “Korean-style new type strategic weapon system.”
Pinakawalan ang missile mula sa Banghyon air base sa kanlurang lalawigan ng North Pyongan, at bumagsak sa Sea of Japan (East Sea), sinabi ng South Korean defence ministry noong Linggo.
Si North Korean leader Kim Jong-Un ang personal na umalalay sa mga paghahanda sa missile test, ulat ng KCNA, idinagdag na maingat itong isinagawa at isinaalang-alang ang “security of the neighboring countries.”
Nagpahayag si Kim ng “great satisfaction over the possession of another powerful nuclear attack means which adds to the tremendous might of the country,” ayon sa KCNA.