Ni NORA CALDERON

Lauren Young
Lauren Young
“HAHALIKAN ko na lang si Rodjun Cruz pero hindi si Lauren Young,” birong-totoo ni Mikael Daez nang makausap ng reporters pagkatapos ng grand presscon ng bagong afternoon prime drama series na Legally Blind ng GMA-7.

Maging sa presscon proper, tinanong na si Mikael tungkol sa possibility na magkaroon sila ng kissing scene ni Lauren.

“Nang una kong malaman na kami ni Lauren ang magkasama sa soap, iyon agad ang una naming itinanong during the story conference, kung may love angle kami ni Lauren. Sabi ko, hindi ko kaya,” sabi ni Mikael. “Feeling ko kasi kung mayroon, incest na iyon dahil younger sister siya ni Megan (Young), my girlfriend,” kuwento ni Mikael.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sabi naman ni Lauren, that will be the time na magiging unprofessional siya, dahil ayaw niya at hindi niya susundin.  Gumaganap naman kasing magkapatid sina Janine (Gutierrez) at Lauren sa soap at boyfriend ni Janine si Mikael.

Pero kinulit pa rin si Mikael ng mga kausap niya, kaya ang sabi niya, kung talagang pipilitin daw siya, si Janine at sina Rodjun, Marc Abaya, Chanda Romero na lang ang hahalikan niya -- at saka pa lamang si Lauren. But kidding aside, ayaw talaga ni Mikael.

Open na si Mikael sa pagkukuwento tungkol sa six years nang relasyon nila ni Miss World 2013 Megan Young na nakilala na niya noong hindi pa siya artista at schoolmates sila sa Ateneo. Sorry raw kung naglihim siya sa tunay nilang relasyon noon dahil may reasons kung bakit hindi puwede.

“Gusto ko na ring makagawa kami ng isang show na magkasama ni Megan, although minsan na kaming pinagtambal sa isang episode ng Dangwa at doon ko na-meet nang personal si Janine.  Travel buddies kami ni Megan at wish ko, isang travel show. Ako, as of now, almost 20 places na ang napupuntahan ko. Baka ganoon na rin si Megan dahil sa duties niya noon sa Miss World. 

“Siguro, ang susunod naming pupuntahan ni Megan, ang New Zealand, gusto naming makita ang Southern Lights doon. Mga ten days para malibot namin ang New Zealand at gagamit lang kami ng camper bus para matipid, siguro pagkatapos na nitong Legally Blind at kung wala pang bagong project si Megan after ng Alyas Robin Hood.”

Gaganap bilang lawyer si Mikael, si Edward Villareal, na tutulong kay Grace (Janine) na lawyer din pero bulag, para makamit ang katarungan laban sa umabuso sa kanya. Mai-in love siya rito in the process. Nakipag-usap si Mikael at kumuha ng points sa mga kaibigan niyang fresh graduate ng law for his role, at magagamit daw niya ang mga ito sa mga eksena, pero ipaaalam muna niya sa director nilang si Ricky Davao.

“Maganda dito sa aming soap, nagkaroon kaming lahat ng familiarity workshop at during the taping, tulungan kami sa bawat scene, dahil maraming mabibigat na eksena at nakita ko agad ang dedication ni Janine sa kanyang role, dahil alam kong napakahirap nito.”

Mapapanood na simula sa Lunes ng hapon, February 20, ang Legally Blind pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.