NANGAKO ang magkapatid na Eden at Lolito Sonsona ng General Santos City na itutuloy nila ang matikas na kampanya ng kanilang pinsan at dating WBO World super flyweight champion Marvin “Marvelous” Sonsona sa kanilang pagsabak sa Pebrero 26 sa Lagao Gym.

Haharapin ni Eden, dating WBC International Silver super featherweight champion, si Jovany Rota para sa bakanteng World Boxing Federation (WBF) International super featherweight crown sa laban na tinaguriang “Laban Pinoy 3: Rise of Champions” boxing show ng Sanman Promotions at Solar Sports.

Ito ang ikalawang pagbabalik aksiyon ni Eden matapos mabakante ng 18 buwan matapos mapagwagihan ang WBC International Silver super featherweight title via 2nd round technical knockout kontra Mexican Adrian Estrella ng Mexico noong Mayo 16, 2015.

“I’m expecting a better Eden now in his second fight. He is doing better in the gym compared to his first fight,” sambit ni Jim Claude Manangquil, CEO ng Sanman Promotions.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“I heard a lot of bad stories about him but I gave him a chance to prove himself. He promised he will change and be a world champion,” aniya.

Mapapalaban naman ang nakababatang si Lolito (20-1-4-9 KOs) kontra kay dating Philippine light flyweight champion Renren Tesorio (16-9-3-4KOs) ng Palawan para sa bakanteng WBF Asia Pacific super flyweight title.

Nasa pangangasiwa ni Jason Soong si Lolito at nagsasanay kasama ni Eden sa Sanman gym. Nagwagi siya sa kanyang huling laban via 4th round TKO kontra Jetly Purisima noong Disyembre 4 sa GenSan.

“We are going to continue the success of Sonsona in boxing. Me and my brother Eden will be world champions,” sambit ni Lolito.