NAGDALAMHATI si Ai Ai delas Alas sa pagpanaw ng kaibigan niyang si Rev. Fr. Erick Santos.

Ai Ai delas Alas
Ai Ai delas Alas 
Matagal na silang magkaibigan. Habang kura paroko pa lang noon sa Sto. Niño de Tondo si Fr. Erick ay isa si Ai Ai sa mga tumutulong sa mga proyekto ng simbahan. Kaya nga madalas bumisita si Ai Ai sa Tondo.

Maging nang lumipat sa ibang simbahan si Fr. Erick at nagkasakit, tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong sa kanya ni Ai Ai.

Kaya nagluluksa ngayon si Ms. A sa pagkamatay ng kaibigan. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sey ng komedyanang aktres, mahigit dalawang dekada na niyang kapalitan ng mga kuwento ang butihing pari at higit pa raw sa magkaibigan ang relasyon nila.

Tuwing may problema siya ay si Fr. Erick ang isa sa unang nakakaalam. 

Kaya saksi si Fr. Erick sa magaganda at sa hindi magagandang nangyari sa buhay niya. 

Binawian ng buhay si Fr. Erick nitong nakaraang linggo sanhi ng sakit na matagal nang dinaramdam.

Pero kahit may sakit, sabi ni Ai Ai, hindi nagbago ang pagiging masayahin ni Fr. Erick.

Dagdag pa ni Ai Ai, hindi na masasaksihan ng kaibigan niyang pari ang pagpapakasal niya. Tuwang-tuwa pa naman daw ito nang ibinalita niya ito.

Isa si Fr. Erick sa mga nagrekomenda sa kanyang tinanggap na Papal Award. Kaya nga raw sinunod din niya ang payo nito na mag-abstain sa sex hanggang hindi pa sila kasal ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Samantala, dinagsa ng mga taong nagmamahal kay Fr. Erick ang kanyang burol sa St. Peter’s Chapel sa Caloocan City. --Jimi Escala