Magbibigay ng tulong ang Simbahang Katoliko sa Los Angeles, California sa mga undocumented immigrant, kabilang na ang mga Pilipino.

Sinabi ni Rev. Fr. John Brannigan, pastor at administrator ng St. Columban Filipino Church, na bumuo ang parokya ng mga grupo na aalalay sa mga ilegal na naninirahan sa United States upang maayos at maging legal ang kanilang status.

Ayon kay Brannigan, dating itinalaga sa Negros, Iloilo at Manila, hinimok ni Los Angeles Archbishop José H. Gomez ang mga parokya na lumikha ng mga grupo ng mga eksperto na tutulong sa mga illegal immigrant kasunod ang travel ban ni Trump laban sa pitong bansa. (Tara Yap)

Pelikula

Alden, Kathryn emosyunal sa world premiere ng 'Hello, Love, Again'