Nasa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na ang babaeng employer ni Richelle Sagang, ang babaeng pinugutan kamakailan, matapos ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Inatasan ni Aguirre, na kumilos ayon na rin sa pakiusap ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran, si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na ilagay sa ILBO ang pangalan ni Aleli Froilan Yap.

“Ms. Yap was reported as one of the persons who were last seen in the company of the victim,” pahayag ni Aguirre sa kanyang memorandum na may petsang Pebrero 10 na in-adress kay Morente.

Ipinaalam din ni Aguirre kay Morente na si Yap ay may arrest order na inisyu ng Tagbiliran City Regional Trial Court (RTC) Branch 2 kaugnay ng paglabag sa Section 9(j) ng Republic Act 8484, na tinatawag ding Access Devices Regulation of 1998.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kanyang memorandum, ipinag-utos ni Aguirre na “all immigration officers to be on the lookout/alert for the above-named individual in the event that she passes through immigration counters in any of our international airports and/or seaports.”

Kapag tinangka ni Yap na lumabas ng bansa, ayon kay Aguirre, dapat itong ipaalam agad ng mga immigration officer sa kanyang opisina at sa NBI “to determine the appropriate course of action to be taken thereafter.”

Si Sagang, lumaki sa Zamboanga del Norte, ay naglingkod kay Yap sa bahay nito sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City.

Gayunman, dinala umano ni Yap si Sagang sa Ayala Alabang security office nitong Enero 12 dahil sa umano’y pagnanakaw.

Makalipas ang limang oras noong araw ding iyon, natagpuan ang pugot na bangkay ni Sagang sa Sta. Maria Bulacan, habang ang kanyang ulo ay nasilayang palutang-lutang sa isang creek sa Makati City nitong Enero 14.

(Jeffrey G. Damicog)