LIAN, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang 67-anyos na lalaki matapos umanong mabundol ng tricycle ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Lian, Batangas.
Nasapol sa ulo si Petronio Carandang, magsasaka, at taga-Barangay Dilao, Balayan.
Nasa kostudiya naman ng pulisya ang suspek na si John Carlo Alano, 21 anyos.
Ayon sa report ni PO3 Marco Antonio Villafria, dakong 7:00 ng umaga nitong Biyernes at sakay si Carandang sa motorsiklo (DA-92054) nang mabundol ng tricycle ni Alano sa Bgy. Prenza. (Lyka Manalo)