ISIPIN niyong mabuti mga kapanalig: ang ating bansa ay nasa typhoon belt at Pacific Ring of Fire. Ibig sabihin nito ay karaniwang 20 hanggang 22 na bagyo ang bumabayo sa ating bansa kada taon. Kung pagbabasehan ang ating karanasan, karaniwang lima sa mga bagyong ito ay mapanira. At dahil tayo ay nasa Pacific Ring of Fire, ang mga lindol at pagsabog ng bulkan ay karaniwan ding nangyayari. Sa ngayon, 23 aktibong bulkan ang regular na mino-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Kaya nga sa isang bansa gaya ng Pilipinas, ang disaster risk reduction and management (DRRM) ay napakahalaga.

Ayon sa UN Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR), ang DRRM ay naglalayong bawasan o paliitin ang pinsalang idinudulot ng mga natural na sakuna gaya ng lindol, baha, tagtuyot, at bagyo sa pagpapalawig ng ethics of prevention.

Hindi lamang rescue and relief, kundi PREVENTION.

Ito, mga kapanalig, ay nakadepende sa ating mga “choices” o pagpili. Halimbawa, kapag alam mo na aktibo ang isang bulkan, hindi tayo dapat tumira at maghanap-buhay sa mga danger zones. Kahit pa may mga senyales na malapit nang sumabog ang isang bulkan at inaakala natin na may panahon pa tayong tumakbo, lumalaki lalo ang pinsala; sa halip na walang disaster na mangyayari, nagkakaroon tuloy dahil hindi natin inaayon ang ating mga desisyon sa natural na kalagayan ng ating kapaligiran. Halimbawa ay ang Mayon Volcano. Ito ay may 6 na kilometrong permanent danger zone. Sa lugar na ito, maaaring magkaroon ng mga pagsabog na mahirap i-predict pero dinadayo pa rin ito lagi ng mga turista at lokal na mamamayan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Isa pang halimbawa ay ang landslide. Maraming lugar sa ating bansa ay prone sa landslide dahil maulan sa ating bayan.

Hindi na ito bago, ngunit lalo itong nagiging mas maigting dahil sa kawalan ng puno, mas mabilis na urbanisasyon, at paglawak ng mga residential area na umaabot na sa mga lugar na maaaring gumuho. Kung maaalala niyo ang mudslide sa Guinsagon, Leyte noong 2006, na 1.2 billion cubic meters ng putik at bato ang gumuho at tumapal sa 300 hektaryang lupain at 1,500 tao ang namatay ngunit pagkatapos ng sakuna, marami pa rin ang bumalik sa lugar na iyon upang manirahan ulit.

Ang Caritas in Veritate ay may hamon ukol sa obligasyon: “Many people today would claim that they owe nothing to anyone, except to themselves. They are concerned only with their rights, and they often have great difficulty in taking responsibility for their own and other people’s integral development. Hence it is important to call for a renewed reflection on how rights presuppose duties.”

Sumainyo ang katotohanan! (Fr. Anton Pascual)