LIAN, Batangas – Binaril sa ulo ang isang 66-anyos lalaki habang patungo sa court hearing sa kaso na tumatayong testigo ang kanyang anak sa Lian, Batangas.
Kinilala ang biktimang si Rustom Adane, taga-Sitio Aplaya, Barangay Balibago, Lian.
Ayon sa report ni PO3 Marco Antonio Villafria, tanghali nitong Huwebes at sakay si Adane sa tricycle (YO-9011) patungo sa Regional Trial Court ng Nasugbu nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang suspek sa Bgy. Prenza, Lian.
Dadalo si Adane sa hearing ng kasong frustrated murder, na tumatayong testigo ang kanyang anak, ayon sa pulisya.
(Lyka Manalo)