WASHINGTON (AFP) – Muntikan nang magkabanggaan ang isang Chinese military aircraft at US Navy surveillance aircraft malapit sa pinagtatalunang reef sa South China Sea, sinabi ng US Pacific Command nitong Biyernes.

Ang dalawang eroplano ay nagkalapit sa distansiyang 1,000 feet noong Miyerkules sa Scarborough Shoal, na kapwa inaangkin ng Pilipinas at China, ayon kay Pentagon spokesman Jeff Davis.

‘’An interaction characterized by US Pacific Command as ‘unsafe’ occurred in international airspace above the South China Sea between a Chinese KJ-200 aircraft and a US Navy P-3C aircraft,’’ sabi ni US Pacific Command spokesman Rob Shuford.

Sinabi ni Davis na dumaan ang Chinese aircraft sa ‘’nose’’ ng American plane, na nagtulak dito upang kaagad na umiwas.

Eleksyon

5 kandidatong senador na nasa final pre-election survey, 'very likely' lumusot sa Magic 12 —OCTA

‘’We don’t see any evidence that it was intentional,’’ sabi ng spokesman.