NEW YORK (AP) – Isang 29-anyos na babaeng taga-New Jersey ang nahulog mula sa 30 talampakang taas ng escalator sa loob ng pamosong World Trade Center transit hub na kilala bilang Oculus nitong Sabado ng umaga, ayon sa pulisya.
Sinisikap ni Jenny Santos, ng Kearny, na makuha ang sombrerong naihulog ng kanyang kakambal habang sila ay nasa escalator dakong 5:30 ng umaga nang lumagpas siya sa barandilya at gumulong pababa.
Ayon kay Port Authority police spokesman Joseph Pentangelo, dinala ang babae sa ospital kung saan ito idineklarang patay.
Ang nakamamanghang $3.9 billion transportation hub ay dinisenyo ng architect na si Santiago Calatrava at nagdudugtong sa mga tren ng New Jersey PATH at mga subway sa New York City subways. Nagbukas ito isang taon na ang nakalipas at mahigit 300,000 commuter ang dumaraan dito araw-araw.