Mga Laro sa Martes

(Philsports Arena, Pasig)

12 n.t. -- LPU vs Perpetual (jrs)

3:30 n.h. -- SSC vs AU (jrs)

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

SA gitna ng pinaglalabanang emosyon, nagbunga ang katatagan ni Arellano coach Obet Javier na siya ring pinaghuhugutan ng karagdagang emosyon ng kanyang mga player nang muling talunin ang San Sebastian College sa ikalawang laro ng kanilang final duel sa NCAA Season 79 women’ volleyball tournament nitong Biyernes sa San Juan Arena.

Sa gitna ng pagdadalamhati, ginabayan ni Javier ang Lady Chiefs tungo sa 18-25, 25-16, 25-11, 26-28, 15-13 na panalo upang burahin ang dalawa sa taglay na tatlong larong bentahe ng Lady Stags, pumasok ng finals na bitbit ang thrice-to-bea advantage.

“Kailangan kong ipakita sa team ko na kailangang matatag eh. Pinipilit kong maging matatag sa harapan nila. Siyempre kapag mag-isa ka na lang doon mo na mailalabas ang dapat ilabas ,” pahayag ni Javier, tahimik na ipinagluluksa ang pagpanaw ng maybahay na nakabase sa Espanya.

Ang maybahay, ayon kay Javier ang pinakamasugid nilang tagasuporta.

“Hindi namin sukat-akalain na sa kanya pa tatama ang cancer eh. Ilang taon din kaming nakipaglaban (sa cancer),” ani Javier.

“‘Yung misis ko kahit na sabihin na natin na wala na siya, ang lagi niyang pinapangarap ay ‘yung mag-champion ulit kami eh,” ayon pa kay Javier.

At Hindi na sila nalalayo sa nasabing kagustuhan ng yumao niyang maybahay dahil isang panalo na lamang ang kailangan para muli silang magkampeon..

Sa ngayon, humuhugot ng lakas si Javier sa kanyang mga players habang patuloy naman siyang nagpapakatatag.

Nakatakdang dumating ang mga labi ng asawa ni Javier sa bansa dalawang linggo mula ngayon. (Marivic Awitan)