Nagdaos kahapon ng kilos-protesta ang mga miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at Anakbayan bilang pagtutol sa all-out-war na idineklara ng gobyerno laban sa New People’s Army (NPA), gayundin sa pagbuhay sa mandatory Reserve Officer Training Course (ROTC).

Sabay-sabay na nagmartsa, dakong 11:00 ng umaga, ang mga raliyista sa Mendiola, Maynila at nakiusap kay Pangulong Duterte na itigil ang ipinatutupad na all-out-war laban sa mga miyembro ng NPA kung talagang hangad umano nito ang kapayapaan sa bansa.

Kinondena rin ng mga estudyante ang planong ibalik ang mandatory ROTC sa Grades 11 at 12.

“ROTC is a program to condition the minds of the youth to be heartless fascist. It is a program that will used by the government to recruit and mobilize the youth for his all out war against the people,” ayon kay JP Brosos, national spokesman ng LFS. (Mary Ann Santiago)

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto