JOHANNESBURG (AP) — Nagpulasan ang mga manonood sa isang football stadium sa Angola noong Biyernes, na ikinamatay ng 17 katao at ikinasugat ng marami pang iba.

Nangyari ang stampede sa hilagang kanlurang bayan ng Uige nang mag-unahang pumasok ang mga tao sa isang gate ng stadium. Marami ang nahulog at natapakan.

Nagtungo ang mga tao sa stadium upang panoorin ang unang laro ng home team na Santa Rita de Cassia kontra Recreativo de Libolo sa national Girabola competition.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'