Panibagong pagtitipid.

Kinumpirma kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) ang dagdag-singil na 92 sentimos sa kada kilowatt hour (kwh) ng kuryente ngayong Pebrero.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita at chairperson ng Communicate Communications ng Meralco, ang rate adjustment ay sanhi ng pagtaas ng generation charge (power plants), na tumaas ng P0.62 kada kwh; transmission charge (National Grid Corporation of the Philippines o NGCP), na tumaas ng P0.15 kada kwh at buwis (gobyerno), na tumaas naman ng P0.15 kada kwh.

Nilinaw ni Zaldarriaga na mas mura pa rin ang generation charge ngayong buwan na P9.00 kada kwh kumpara noong 2014 at 2015.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakadagdag din, aniya, sa power rate adjustment ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at pagbaba ng piso kontra dolyar, gayundin ang mababang pag-dispatch ng power supply agreement at independent power producers dahil sa iba’t ibang schedule at forced outages, at ang quarterly reprising ng Malampaya natural gas. (Mary Ann Santiago)