Johansson, Scarlett & Johansson, Melanie

Isinama ni Scarlett Johansson ang pinaka-cool na date sa amfAR New York Gala ngayong tao: ang kanyang ina na si Melanie Sloan.

Dumalo ang Ghost in the Shell star at kanyang ina sa amfAR event ngayong taon, at ibinahagi kay Carly Steel ng ET ang naging impluwensiya sa kanya ng ina.

“I really couldn’t think of anybody else that I’d rather [have] with me here tonight,” saad ni Johansson. “[She’s] been incredibly inspiring for me in many, many ways, but certainly as a young girl.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“She never shielded us from what was going on in the zeitgeist in culture,” dagdag niya. “She always made us aware, you know, socially aware. She always encouraged us to be politically and socially active, so I couldn’t imagine a better date tonight.”

Si Johansson ay guest of honor sa gala na benepisyaryo ang American Foundation for AIDS Research, isang non-profit organization na nabuo para suportahan ang mga pag-aaral, kamalayan, at pagpigil sa HIV/AIDS.

Sa kanyang emosyonal na talumpati, inalala ng aktres ang isang malapit na kaibigang lalaki ng kanyang ina na nagkaroon ng mahalagang papel sa kanyang buhay bago ito namatay dahil sa AIDS, sa panahong ang sakit ay “a taboo subject mostly whispered about.”

Nagbigay sulyap din siya sa kanyang kabataan at sa ang mga pagsubok na kinaharap ng kanyang ina at ama bilang working parents.

“A night out on the town was a rare luxury for my parents who were probably trying to connect with one another and themselves,” pagbabahagi ni Johansson. “No small feat for parents of four living in New York City.”

Sinabi ni Johansson sa ET na humarap din siya sa pagsubok bilang working mom na may hectic na schedule.

“I don’t profess to know anything about parenting, anything more than anybody else, [but] being a working mom is an incredible challenge, [and] it’s an incredible gift,” aniya. “I think you always feel a little bit of guilt… If you’re at work, you feel like you’re missing out on those special moments with your kid. If you’re with your kid, you feel like you’re not giving enough to your job. It’s a balance.”

“I have a lot of huge admiration for working moms,” dagdag ni Johansson. “I’m barely, barely holding it together.”

(ET Online)