NEW YORK (AP) — Nanindigan si Charles Oakley na wala siyang nilabag na batas o regulasyon sa loob ng Madison Square Garden.

Aniya, walang dahilan ang pamunuan na gawin siyang ‘persona non grata’ sa arena na naging teritoryo niya sa nakalipas na dalawang dekada.

Ayon kay Oakley, ang sapilitang pagpapalabas sa kanyang sa Garden ay bunga nang matabang na relasyon niya kay Knicks owner James Dolan.

Sa panayam ng ESPN Radio, sinabi ni Oakley na nakatayo lamang siya sa kanyang kinanalalagyang–ilang metro ang layo sa kinalalagyan ni Dolan – nang palibutan siya ng security personnel. Itinanggi niyang sinigawan niya at binastos si Dolan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Now I’m four rows from this guy, so I’m going to walk in this place and just start hollering, ‘James Dolan! James Dolan!’ I mean, that’s embarrassing, man. I did not do none of that,” pahayag ni Oakley.

“I didn’t know the man was sitting in front of me at first until they walked over there.”

Sinabi ni Oakley na nasabihan umano ng mga security si Dolan na nasa loob siya ng Garden at naramdaman niya ito nang simulan siyang matyagan at sundan ng mga ito sa bathroom.

Ngunit, sa opisyal na pahayag ng Knicks, gumawa umano ng gulo si Oakley kung kaya’t sinita siya ng security personnel.

“There are dozens of security staff, employees and NYPD that witnessed Oakley’s abusive behavior,” pahayag ng Knicks statement. “It started when he entered the building and continued until he was arrested and left the building. Every single statement we have received is consistent in describing his actions. Everything he said since the incident is pure fiction.”

Sa panayam kay Clippers forward Blake Griffin, sinabi nitong namukhaan niya si Oakley at napansin niyang may binabanggit nito kay Dolan bago naganap ang kaguluhan.

“I was walking down and I saw him. He stopped and he started talking to Dolan,” sambit ni Griffin. “But it was crazy.

I didn’t know what it was about or anything. I just saw a bunch of commotion.”