CABANATUAN CITY - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang 56-anyos na babaeng negosyante na pinasok sa kanyang tindahan para pagnakawan at ginilitan pa ng mga hindi nakilalang kawatan sa Clamonte Street sa Barangay Aduas Centro sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Herimias Driza y Padre Juan, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Tinangay ng mga hindi pa nakikilalang kawatan ang hindi pa tukoy na halaga ng arawang kita ni Driza matapos na looban ang kanyang mini mart bandang 9:40 ng gabi. (Light A. Nolasco)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City