Natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig ang bangkay ng isang lalaki sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Sa ulat ni Det. Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 10:10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Belardo Francisco, 48, ng 854 P Sta. Rita Street, Tondo, na palutang-lutang sa ilog, sa tabi ng International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) sa Port Area.

Mismong mga empleyado ng ICTSI ang nakadiskubre sa bangkay na kaagad iniahon ng mga mangingisda sa lugar.

Narekober ng mga pulis mula sa biktima ang isang barangay identification (ID) card na inisyu ng Barangay 11, Zone 2, District 1, dahilan upang makilala ang biktima.

De Lima, pinasalamatan si PNoy sa ‘tunay na liderato, dalisay na paglilingkod’

Wala namang nakitang sugat o anumang palatandaan na may foul play na nangyari ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso. (Mary Ann Santiago)