Libre na ang maintenance medicines ng senior citizens ng Maynila simula ngayong buwan.
Ayon kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, naglaan siya ng inisyal na pondong P66 milyon para sa programang “Libreng Gamot Para sa Nakatatandang Manilenyo”, na pamamahalaan ng Manila Health Department (MHD).
Ipinamamahagi ang mga libreng gamot sa hypertension, high cholesterol, at diabetes sa mga barangay health center ng lungsod. (Mary Ann Santiago)