Pinayuhan ni Senator Panfilo Lacson ang pamahalaan na pag-aralan ang ginawang kampanya kontra ilegal na droga ng Colombia.

Ayon kay Lacson, may mga pagkakahawig ang dalawang bansa kaya’t mas mainam na aralin ito ng pulisya sa halip na batikusin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag ni Duterte na “idiot” si dating Colombian President César Gaviria makaraang sabihin nito na huwag gayahin ang kanyang pamamaraan ng kampanya dahil nabigo siya. Libu-libo din kasi ang napatay sa kampanya ni Gaviria kontra ilegal na droga at nagresulta pa sa pagkaaresto ng drug lord na si Pablo Escobar, ngunit hindi pa rin naubos ang ilegal na droga sa Colombia. (Leonel M. Abasola)

Relasyon at Hiwalayan

Carlo Aquino, nagtakda na ng boundaries sa ibang babae: 'May asawa na ako!'