Bukod sa pasaway na mining companies, sakit ng ulo rin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang kurapsiyon sa ahensya.

Ayon kay Lopez, gumagawa na siya ng hakbang upang linisin ang DENR sa mga tiwaling opisyal at kawani. Inihalimbawa niya ang isang opisyal ng ahensya na humihingi umano ng P30 milyong suhol sa isang mining firm upang hindi pag-initan ang minahan.

Kasabwat sa kurapsiyon ang mga may-ari ng minahan.

Ibinahagi ng Kalihim na isang kaibigan niya na may-ari ng minahan ang nagtungo sa kanyang opisina upang magpapirma ng mga dokumento kapalit ng ibibigay sa kanya na P6 milyon kada buwan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Samantala, tinawag ni Lopez na “pampakalma” sa mga may-ari ng mga minahan ang napagkasunduan nila ni Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez, bilang mga pinuno ng Mineral Industry Coordinating Council (MICC), na isailalim muna sa multi-sectoral review ang industriya ng pagmimina bago tuluyang ipasara ang mga minahan.

Gayunman, pinanindigan ni Lopez ang desisyon na ipasara ang 23 minahan dahil sa paglabag sa environmental laws.

“I feel that the consultation I’ve done is enough. At the end of that day, even that review process is recommendatory to me. I still make the decisions and my decision on no mining in watersheds, I don’t see that as changing because water is life,” pagdidiin ni Lopez.

Iginiit niya na 15 sa mga ipinasarang minahan ay malapit sa watersheds.

“I didn’t like the implication that I had not followed due process. I have and I can prove it,” diin ng Kalihim.

(ROMMEL P. TABBAD)