ISULAN, Sultan Kudarat – Napaulat na pawang kabataan ang umano’y nire-recruit ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kilusan, partikular sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Supt. Joefil Siason, hepe ng Isulan Police, napag-alaman na nagsasagawa ng recruitment sa Barangay Poblasyon sa Isulan at sa mga karatig-bayan ang mga rebelde.

Nabatid na nagmula umao sa Guerilla Front 73 ng NPA ang humihimok sa kabataan na sumali sa kilusan.

Dahil dito, naniniwala si Siason na kakaunti na lang ang kasapi ng NPA at desperado ang mga itong magdagdag ng puwersa kasunod ng pagdedeklara ng gobyerno ng all-out war laban sa NPA. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote