Drake at J.Lo copy

WALA na nga bang namamagitan kina Jennifer Lopez at Drake?

Natapos na ang rumored relationship nina J.Lo, 47, at Drake, 30, dahil sa kanilang busy schedule, saad ng source sa ET.

“She likes Drake,” pagbubunyag ng source na malapit sa Shades of Blue star. “They’re just busy, so it has fizzled.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

She’s a mom with an insanely busy career. He’s touring in Europe. Who knows what will happen in the future when they’re more able to be in the same place.”

Nagpahiwatig si Lopez tungkol dito sa kanyang mga misteryosong Instagram post noong Sabado.

“Timing is everything,” aniya. “If it’s meant to happen, it will, and for the right reasons.”

Hindi pa rin sigurado kung ang tinutukoy ni Lopez ay si Drake, ngunit mukhang may panibagong crush na naman ang rapper, ang magandang mang-aawit na si Sade.

Nagsimula ang haka-haka sa dalawa noong huling bahagi ng Disyembre, nang bumisita si Drake sa All I Have show ni Lopez sa Las Vegas. Kasunod nito, ginawa nilang opisyal ang namamagitan sa kanila sa Instagram at napaulat na si Lopez ay “head over heels” sa Canadian rapper.

Kung hindi man maaayos ang relasyon nila ni Drake, posibleng makikipagbalikan si Lopez sa dating boyfriend na si Casper Smart. (ET Online)