DINGDONG copy copy

LAST two weeks na lang sa ere ang Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, kaya hanggang February 24 na lang ito. Pero sa February 18, premiere telecast na ng bago niyang docu-drama serye na Case Solved, mapapanood ito tuwing Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sa istorya ng Alyas Robin Hood, maraming tinulungan ang character niya lalo na ang mga biktima ng karahasan, halos ganoon din ang gagawin niya sa Case Solved.

“Masasabi kong may similarities,” kuwento ni Dingdong. “Siguro ang pagkakaiba, iyong sa Alyas Robin Hood, fiction ang mga eksena, pero dito sa Case Solved nangyari sa tunay na buhay.”

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

May nagtanong tuloy kay Dingdong kung paghahanda na ba niya ang mga programa para sa mas seryosong yugto ng buhay niya o papasukin ba niya ang pulitika? Handa na ba siyang tumakbo sa susunod na eleksiyon?

“Ang tingin ko, ang entertainment business in a way is closely related to public service. Siguro nga nagma-mature na rin ako, ang mga possible opportunities, mas nagiging seryoso na rin ako. Sa pagbabasa ko rin ng mga script para dito sa Case Solved marami akong nalaman, marami akong natutunan na isang malaking hakbang ‘yan sa pagpasok ko sa mas seryoso, mas hardcore na line ng public service na siyang nature ng aming show.

“The fact na tinanggap ko itong project, ibig sabihin ay mas open na akong gumawa ng mga ganitong bagay dahil iba na rin ang mga circumstances. At since may asawa na ako at may anak na rin kami ni Marian (Rivera), si Maria Letizia, na-expose na rin ako sa maraming bagay. 

“Gusto ko pa ring mai-share sa mga tao kung anuman ang maitutulong ko sa ating mga televiewers at sa ating mga mamamayan.”

Para kay Dingdong, mahalaga ang kontribusyon ng bawat Pilipino para sa nation building, malaki man o maliit ang maitutulong.

Hindi pa sinagot ni Dingdong ang tanong kung may nag-offer na sa kanya ng anumang posisyon para sa 2019 elections.

“Para sa akin ang pagiging actor ko at pagiging host ng ganitong klase ng show ay bahagi na ng gagawin ko sa hinaharap. Kung saan man mapupunta ito later on, hindi ko pa rin alam. Basta ako, nandito ang dedication ko in the line of service.”

Ngayong matatapos na ang Alyas Robin Hood at maluwag naman ang taping niya ng Case Solved, sa kanya naman maiiwanan si Baby Zia dahil turn na ni Marian sa paggawa naman ng bagong teleserye sa primetime ng GMA-7.

“Ayaw namin ni Marian na walang magulang na susubaybay sa kanyang paglaki. Nakakagulat nga kung minsan na ang laki ng ipinagbabago niya habang lumalaki siya. Ang sarap umuwi ng bahay na makikita mo si Zia at ang kakulitan na niya kahit hindi pa siya nakapagsasalita nang diretso.”

Wala pa silang plano ni Marian para sa Valentine’s Day, pero gagawa at gagawa siya ng paraan na mai-date ang kanyang mag-ina. Mas masaya raw kasi na dalawa na ang ka-date niya ngayon.

Bago magsimula ang taping ni Marian sa bagong teleserye, itutuloy na nila ang pagbiyahe sa Spain para dalawin ang ama at pamilya ni Yan doon. Hindi sila natuloy noong Christmas dahil puno ang schedule nila nang ma-extend ang Alyas Robin Hood. (NORA CALDERON)