MARAMI ang nagulat sa tsikang si Yassi Pressman na raw ang gaganap na Darna sa pelikulang ipo-produce ng Star Cinema at Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Erik Matti. At dahil Viva talent ang dalaga, kung matutuloy nga ito ay tatlong movie company na ang magtutulung-tulong sa project.

Pero paano raw mangyayari iyon, e, pinaghahandaan na ni Angel Locsin ang pelikula at sinabing siya pa rin ang gaganap. At walang kinalaman ang maikling buhok niya sa kanyang papel bilang Darna.

May nagbanggit sa amin na imposible raw ibigay ng Star Cinema sa hindi talent ng ABS-CBN ang Darna dahil nakalaan ito sa homegrown talent nila, bagamat sa GMA-7 nagsimula si Angel.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang announcement ang Star Cinema kung sino talaga ang gaganap na bida sa Darna na nakatakdang gawin sa third quarter ng 2017.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Samantala, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Angel kung magsasampa siya ng kaso laban sa salon na sumira ng buhok niya. Matatandaan na nagpahayag si Angel kamakailan na pinag-iisipan niyang mabuti ang bagay na ito.

Oo nga naman, magastos at abala rin ang may kaso ‘no. (REGGEE BONOAN)