Beyonce copy

NANGUNA si Beyonce sa nominasyon para sa Grammys Awards sa Linggo sa pagkakaroon ng siyam na nominasyon, kabilang ang tatlo sa pinakaprestihiyosong kategorya.

Higit 13,000 music professionals sa Recording Academy ang bumoto para piliin ang mananalo sa Grammys, na iaanunsyo sa televised gala sa Los Angeles.

Para sa Album of the Year, nominado sina Adele para sa kanyang 25, Beyonce sa kanyang Lemonade, Justin Bieber para sa kanyang Purpose, Drake sa kanyang Views, at Sturgill Simpson para sa A Sailor’s Guide To Earth.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nominado naman para sa Record of the Year sina Adelle sa kanyang Hello, Beyonce para sa Formation, Lukas Graham sa kanyang 7 Years, Rihanna tampok si Drake sa Work, at Twenty One Pilots para sa Stressed Out.

Naglalaban-laban para sa Best New Artist sina Kelsea Ballerini, The Chainsmokers, Chance the Rapper, Maren Morris, at Anderson Paak.

Kasama para sa Best Rap Album sina Chance the Rapper (Coloring Book), De La Soul (And the Anonymous Nobody), DJ Khaled (Major Key), Drake (Views), Schoolboy Q (Blank Face LP,” at Kanye West (The Life of Pablo).

Para sa Best Rock Album, pasok ang Blink-182 (California), Cage the Elephant (Tell Me I’m Pretty), Gojira (Magma), Panic! At The Disco (Death of a Bachelor), at Weezer (Weezer).

Samantala, nominado ang 22, A Million ni Bon Iver, Blackstar ni David Bowie, The Hope Six Demolition Project ni PJ Harvey, Post Pop Depression ni Iggy Pop, at A Moon Shaped Pool ng Radiohead para sa Best Alternative Rock Album.

(AFP)