GINAPI ng Ateneo, sa pangunguna ni Arvey Gayoso, ang National University, 3-0, para sa ikalawang sunod na panalo sa UAAP Season 79 men’s football championship kahapon sa Moro Lorenzo Field sa Quezon City.

Naisalpak ni rookie Sam Lim mula sa pasa ni Gayoso ang unang goal para sa Blue Eagles bago ang second half. Sa pagsisimula ng second half, umiskor si Gayoso sa penalty nang bigyan ng red card si NU defender Ross Lawagan.

Matapos pangunahan ang Ateneo sa 4-0 panalo kontra Adamson nitong Linggo, nakakolekta si Gayoso ng kabuuang tatlong goal.

Naitala ni Mario Ceniza ang ikatlong goal sa Ateneo sa ika-78 minuto ng laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Binokya rin ng defending champion University of the Philippines ang University of the East, 4-0, para mkuha ang solong kapit sa ikalawang puwesto.

Tangan ng Fighting Maroons ang apat na puntos, habang ang Red Warriors at Bulldogs ay may tig-isang puntos.

“Talagang nag-focus kami sa defending. Talagang there’s no reason para mag-concede kami kasi ayun ang pina-petractice namin,” sambit ni Ateneo coach JP Merida.

Nabawasan ng player ang Eagles nang magtamo ng injury si Carlo Liay sa ika-15 minuto ng laro.

“We are still far from satisfied,” pahayag ni UP coach Anton Gonzales. (Marivic Awitan)