Limang katao ang namatay habang apat na iba pa ang malubhang nasugatan makaraan silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek habang nag-iinuman sa Barangay Cainglet, Kabasalan, Zamboanga Sibugay, nitong Huwebes ng gabi.

Sa report ng Kabalasan Municipal Police na ipinadala sa Camp Crame, kinilala ang mga napatay na sina Emeristo Bastasa, Raymart Tena, Asser Mangan, Delia Pagador at isa pang nakilala lamang sa pangalang Calib-ug.

Ayon sa Kabalasang Police, malubha ang lagay sa ospital nina Agnes Abcede Mangan, Syra Mangan, Marisa Cumbal Bucan at Alex Angoon.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 10:45 ng gabi nitong Huwebes.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Batay sa imbestigasyon ng Kabalasan Police, nag-iinuman ang siyam na biktima sa likuran ng nakaparadang police mobile car ng Payao Municipal Police na kinukumpuni sa Dondon Auto Shop.

Makalipas ang ilang sandali, biglang lumitaw ang apat na lalaki na pawang nakasuot ng bonnet at nakasakay sa motorisklo, na kaagad pinagbabaril ang mga biktima gamit ang M16 rifle.

Matapos ang pamamaril ay hinagisan pa ng mga suspek ng MK2 grenade ng mga biktima bago tumakas. (Fer Taboy)