090217_lopez_denr_01_vinas copy

May basbas ni Pangulong Duterte ang maigting na kampanya ni Environment Secretary Gina Lopez na ipagbawal ang pagmimina sa mga watershed ng bansa.

Ito ang giit ni Lopez sa kabila ng pagpupursige ng malalaking kumpanya ng minahan na iapela sa Pangulo ang pagpapasara sa 23 mining operation at pagsuspinde sa lima pa dahil sa umano’y paglabag sa environmental laws.

“It would take a miracle to convince me to allow mining in watersheds because as far as I know it’s against the law.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

It’s against social justice, It’s against the Constitution to allow any kind of extractive industry inside the watershed,” sabi ni Lopez sa isang press conference sa Malacañang.

“In the Cabinet meeting, his last closing remark in front of everyone ‘I agree that there should be no mining in watersheds,’” saad ni Lopez.

Umalma ang mining companies sa closure at suspension order ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil hindi sila binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Sinabi naman ng Malacañang na handa si Duterte na pakinggan ang mining firms

Ngunit sinabi ni Lopez na ang desisyon niyang ipasara ang minahan ay “fair” at alinsunod sa “rules of law.”

Dagdag niya na hindi totoong hindi niya pinakinggan ang paliwanag ng mga kumpanya ng minahan.

“I have made a policy in DENR that there should be no extractive industries in watersheds because it will kill the community life of the people around and it has,” sabi ni Lopez.

Aminado si Lopez na ang desisyon ng Pangulo ang mananaig. (GENALYN D. KABILING)