Hindi na mabubura pa sa isipan ng isang 22-anyos na lalaki ang pagkamatay ng nakatatanda niyang kapatid sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa harap mismo ni Allan Celiz binaril at pinatay si Almon Celiz, 32, ng Phase 8B, Package 5, Block 61, Lot 15, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Joey Cadena, nasa hustong gulang, ng Phase 7C, Kristal, Bagong Silang, Caloocan City at nahaharap sa kasong murder.

Ayon kay Allan, bandang 10:30 ng gabi ay magkausap sila ng kanyang Kuya Almon sa labas ng kanilang bahay.

Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

Makalipas ang ilang minuto, biglang dumating si Cadena na armado ng shot gun at pinaputukan ang biktima.

Ayon sa ilang barangay official, nagkaonsehan sa ilegal na droga sina Cadena at Almon. (Orly L. Barcala)