Tatlong katao, kabilang ang isang pulis, ang napaulat na dinukot ng nasa 200 armado sa Bukidnon kahapon ng umaga, iniulat ng militar.

Kinilala ni Army Captain Patrick Martinez, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, ang dalawa sa mga biktima na isang PO2 Natividad, ng Kalilangan Municipal Police; at isang Lito Siagan Atoy, 48, may asawa, ng Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon.

Ayon kay Martinez, bandang 5:00 ng umaga kahapon nang pasukin ng may 200 hindi nakilalang armado ang bahay ni Atoy at tinangay ito.

Dalawa pang kawani ng gobyerno, kabilang ang pulis, ang tinangay ng grupo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tumakas ang mga suspek na ang ilan ay lulan sa pitong motorsiklo na tinangay nila kasama ang tatlong heavy equipment mula sa Mindanao Rock Corp.

Ayon sa mga report, sinunog ng mga armado ang nasabing mga equipment, na kinabibilangan ng isang backhoe, isang dump truck, isang mixer, at isang generator set sa KM 28 sa Bgy. Tikalaan, Talakag, Bukidnon.

“Reports also relayed to us that Mr. Lito Atoy was already killed by the armed group,” sabi pa ni Martinez.

Hindi pa batid ang motibo at ang grupong nasa likod ng insidente. (FRANCIS T. WAKEFIELD)