TALAVERA, Nueva Ecija - Patay na nang idating sa pagamutan ang isang 52-anyos na lalaki na pinagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek habang abala sa pagsusulat ng mga tinayaang kumbinasyon sa Small Town Lottery (STL) sa Purok 1, Barangay Collado sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, dakong 11:30 ng umaga at nasa loob ng tindahan si Reynaldo Garcia Dela Cruz, nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ito nang malapitan.

Gantihan sa personal na alitan ang tinitingnang motibo ng pulisya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City