COCO copy copy

PINURI ng Department of Interior and Local Government Secretary na si Mike Sueno ang karakter ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagsisilbing isang mabuting halimbawa sa mga pulis sa katatapos lang na 26th Philippine National Police (PNP) Foundation Day na ginanap nitong Lunes, Pebrero 6.

“Ipakita natin na buhay pa rin ang diwa ng kabayanihan sa puwersang pulis, sa mga taong inaasahang maging modern-day heroes katulad ni Cardo Dalisay mula sa teleseryeng Ang Probinsyano,” pahayag ni Sueno sa kanyang talumpati na iniulat ng media.

Bukod kay Sec. Mike Sueno, tumanggap na rin ng papuri si Coco at ang FPJ’s Ang Probinsyano mula sa PNP chief na si Ronald “Bato” dela Rosa, ayon sa mga ulat sa media.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pinuri rin ng House of the Representatives ang palabas noong nakaraang taon para sa pagpapalaganap ng crime awareness and prevention gabi-gabi. Inendorso rin ng Kongreso si Coco upang maging “Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines.”

Mahigit isang taon nang umeere ang FPJ’s Ang Probinsyano na patuloy pa ring tinatangkilik at nakakatanggap ng mga papuri mula sa mga manonood. Umiikot ang kuwento ng serye sa buhay ni Cardo na isang miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.

Ito ang numero unong teleserye sa bansa, base sa viewership survey data ng Kantar Media. Sinusubaybayan ang iba’t ibang krimeng isinisiwalat nito tulad ng drug trafficking, prostitusyon, at maraming iba pa na isa-isang nilulutas ni Cardo. Inaabangan din ang ibinabahagi nitong mga aral tungkol sa pamilya at ang dedikasyon at kabayanihan sa serbisyo ng mga pulis.

Pinarangalan na ang Probinsyano ng iba’t ibang award-giving body kabilang ang Gawad Tanglaw, Anak TV Awards, at PMPC Star Awards para sa tagumpay at impluwensya nito sa mga manonood.