TANAUAN CITY, Batangas - Kapwa patay ang isang barangay kagawad at kasamahan nito matapos silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Tanauan City, kahapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Erineo Ambita, kagawad ng Barangay Bagbag; at isang Falita Salazar.
Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), pasado 12:00 ng hatinggabi at sakay ang mga biktima sa tricycle nang pagbabarilin sa Bgy. Bañadero. (Lyka Manalo)