ANG lumalalim na hidwaan sa pagitan ng administrasyong Duterte at ng Simbahang Katoliko ay masamang pangitain sa Philippine socio-political landscape. Habang ang mga pari ay hinuhusgahan sa kanilang pananamit, kinakailangan bitbitin ng estado ang sulo ng kagalakan para na rin sa sarili nitong kapakanan.

Sa pag-aakusang nagbabalat-kayo ang mga bishop na para bang may karapatan ang kahit sino na sirain ang reputasyon ng isang tao, ay isang pag-uugali kung saan nahihirapang makita na umuunlad ang mga tao. Ang pagbabalat-kayo, isang imahe ng kasinungalingan, ay hindi taglay ng lahat ng tao.

Sa labas ng Simbahan, ang Presidente, isang mahigpit na tagamasid, ay mayroon ding mga kaibigan na iba ang paniniwala na mas magaspang ang ugali.

Ang pagturo sa isang tao dahil sa personal nag alit ay hindi magandang pag-uugali. Ang kinakailangan ng bansang ito ay isang uri ng kagalakan, na kung tawagin ng isa kong kaibigan ay “extrajudicial kindness.”

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin

Hindi maipagkakaila na hindi nagkakasundo ang Simbahan at estado. Ngunit hindi ito dapat maging ugat ng mga protesta.

Nakalulungkot isipin na sa pagnanais na mapagbuklod ang watak-watak nating bansa, ang ating mga leader ay nagtatanim ng galit.

Kung ang giyera laban sa ilegal na droga ay hindi pa rin nagtatagumpay gaya sa ipinlano, bakit ito isisisi sa mga pastor? Hindi ba’t ang mga masasamang-loob na nagpakalat ng banta sa droga, sa simula pa lamang, ay miyembro ng iba’t ibang law... enforcement agency?

Hindi Simbahan ang nagpapatupad ng batas at wala rin itong kapangyarihan sa pag-uutos na magtayo ng mga rehabilitation center para sa mga adik sa ilegal na droga. Kung hihingin ang kanilang suporta, nagawa na ito sa pamamagitan ng pag-alalay sa pamahalaan sa pag-abot sa mga mamamayan.

Hindi dapat kalimutan ng pamahalaan na kung wala ang religious sector, ang Simbahang Katoliko o iba pa, ang produkto ng ating educational system ay magiging kapos. (Johnny Dayang)