Julia Montes (3) copy

BUHAY nga ba ang kapalit upang maipanalo ang laban para sa pamilya?

Doble-dobleng drama at tensiyon ang aabangan ng mga manonood dahil hindi titigil ang kambal na sina Kara at Sara (Julia Montes) hangga’t hindi nasusugpo ang kasamaan ni Alex (Maxene Magalona) sa huling araw ng Doble Kara, ang nangungunang afternoon series.

Nagtagumpay si Alex na makuha sina Becca at Hannah upang makapaghiganti kina Kara at Sara. Ngunit hindi magtatagal ang tagumpay na inaakala nito dahil makakatulong ng kambal si Lucille (Carmina Villarroel) upang matunton ito ng mga pulis at pagbayaran ang kanyang kasamaan. Pero may mga patibong pa rin si Alex na naghihintay sa pamilya ng kambal.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

May magbubuwis pa kaya ng buhay para sa kanilang pamilya?

Tinutukan ng mga manonood ang kuwento nina Kara at Sara mula nang umere ito sa telebisyon mahigit isang taon na ang nakalilipas. Pumatok sa mga manonood ang aral na ibinahagi ng serye tungkol sa pagmamahal at pagsasakripisyo para sa pamilya. Kinaantigan din ang pagsasalamin nito sa ordinaryong pamilyang Pilipino at sa mga suliranin nito sa pang-araw-araw na buhay.

Namayagpag sa nationwide ratings ang Doble Kara at nagkamit ng all-time high national TV rating na 21.7% noong Setyembre 2016, dahilan para iluklok si Julia bilang Daytime Drama Queen. Hindi rin ito natinag ng mga programang itinapat dito at nanatiling nangunguna sa hapon.

Ginawaran na ng mga parangal ang Doble Kara ng ilang award-giving bodies gaya ng ALTA Media Icon Awards at PMPC Star Awards. Tumanggap din ng sari-saring awards si Julia sa kanyang pagganap bilang kambal mula sa 14th Gawad Tanglaw at Anak TV Awards.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng nangungunang afternoon series ngayong hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.