MASAYANG-MASAYA ang fans ni Marian Rivera nang mag-post siya sa Instagram ng photo niya na kasama ang executives ng GMA Entertainment TV at ang manager niyang si Rams David, pagkatapos ng meeting nila para sa bagong teleserye na gagawin niya:
“Thank you to my GMA Family who always comes up with so many wonderful offers/projects for me. This year, it’s time to get back to work, and return to primetime... ayiee malapit na! #Exciting”
Nag-post din maging si Rams, na laging kinukulit ng fans kung kailan magkakaroon ng teleserye si Marian:
“Umuwi akong pagod na may ngiti. Iba ‘yun sa pagod na malungkot. Dapat lahat ng pinagpaguran nginingitian at pinagpapasalamatan.”
Hindi pa sinabi nina Marian at Rams kung ano ang bagong project pero tiyak na sisimulan ito sa second quarter of the year.
Kahit wala pang teleserye, patuloy na napapanood si Marian sa Sunday Pinasaya at sunud-sunod din ang shoot niya ng TV commercials ng bago niyang endorsements.
Kalo-launch lang last Tuesday ng bagong TVC ng unica hija nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia, ang Johnson’s Baby Bath na makikitang nagkukulitan ang mag-ama, habang kinukunan naman ng video ni Marian. (NORA CALDERON)