SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Isang 33-anyos na lalaki ang namatay matapos siyang aksidenteng mabaril ng sariling tiyuhin habang nag-iinuman sila sa lungsod ng San Carlos sa Pangasinan.

Aksidenteng nabaril ng dalawang beses ni Francisco Castro, magsasaka, ang pamangkin niyang si Salvador Castro, kapwa taga-Barangay Payar, San Carlos City.

Batay sa pasisiyasat, nag-iinuman ang magtiyuhin kasama ang dalawa pang lalaki sa tindahan ni Salvador nang paglaruan ng suspek ang baril ngunit aksidenteng pumutok ito at tinamaan sa dibdib at kamay ang pamangkin. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga