SANTA IGNACIA, Tarlac - Limang lalaki ang pinaghahanap ng mga awtoridad kaugnay ng pamamaril ng mga ito sa isang 72-anyos na lalaki sa Purok 1, Barangay Sotero, Santa Ignacia, Tarlac nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay PO3 Hansel Purgunan, malubhang nasugatan at ginagamot ngayon sa ospital si Benito Sotero, 72, ng Bgy. Sotero, na nabaril sa kaliwang bahagi ng ulo.
Kabilang sa mga suspek sa krimen si Jay-ar Cayatano Capiral, nasa hustong gulang, ng Bgy. Sula, San Jose; isang 16-anyos na nagngangalang Angelo; at tatlong hindi pa nakikilala.
Batay sa testigo, nakita niyang nagkakatuwaan sa motorsiklo ang mga suspek nang dumaan ang matanda at napagdiskitahan umanong barilin ito. (Leandro Alborote)