ncaa copy

BUMALIKWAS mula sa isang set na paghahabol at apat na puntos sa deciding set ang St. Benilde upang gapiin ang Perpetual Help, 25-12, 21-25, 17-25, 25-14, 18-16, at agawin ang korona sa 92nd NCAA men’s volleyball tournament nitong Lunes sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nagawang makabangon ng Blazers spiker sa hukay na kinalagyan, higit sa 3-7 na paghahabol sa final set para makumpleto ang dominasyon sa Altas at angkinin ang unang kampeonato sa men’s volleyball mula ng sumabak sa liga may dalawang dekada na ang nakalilipas.

Nanguna si Johnvic de Guzman, naglaro sa kanyang huling season sa Blazers, sa natipang 28 hit, kabilang ang krusyal na spikes para sa makasaysayang tagumpay ng St. Benilde.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa Game 1 ng best-of-three series, umiskot si de Guzman ng 19 puntos para sa 25-17, 26-24, 25-17 panalo. Tinaghal siyang Finals MVP matapos tanggapin ang season MVP trophy.

“This is a special moment for for us and the school because it this is the first,” sambit ni St. Benilde coach Arnold Laniog. “It was a team effort but I have to say Johnvic (de Guzman) really stepped up big for us.”

Madamdamin namang iniaalay ni de Guzman ang tagumpay sa kanyang ina na si Marissa na plano niyang i-date sa Araw ng mga Puso.

“This is for her for teaching me the game and being there for me from the start,” pahayag ni de Guzman.

Ang iba pang individual awardee ay sina San Beda’s Adrian Viray (First Outside Spiker) at Limuel Patenio (Second Middle Blocker), Arellano’s John Joseph Cabillan (Second Outside Spiker) at Kevin Liberato (First Middle Blocker), Perpetual’s Jack Kalingking (Libero), Relan Taneo (Setter), De Guzman (Opposite Spiker), at Emilio Aguinaldo College’s Joshua Mina (Rookie). (Marivic Awitan)