Pagtitibayin ng House Committee on Human Rights ang panukalang “Right to Adequate Food (TAF) Framework Act” sa pamamagitan ng paglikha ng technical working group (TWG) na pag-iisahin ang lahat ng panukalang batas tungkol dito upang maipasa sa 17th Congress.
Layunin ng RTAF Framework Act na masiguro ang kasapatan sa pagkain sa bansa at malunasan ang kagutuman ng mga Pilipino.
Kabilang sa mga panukalang ito ang House Bills 61 nina Reps. Karlo Alexei B. Nograles (1st District, Davao City) at Jericho Jonas B. Nograles (Party-list, PBA), HB 256 ni Rep. Harry L. Roque Jr. (Partylist- KABAYAN), HB 1645 ni Rep. Linabelle Ruth R. Villarica ( 4th District, Bulacan), at HB 3938 ni Rep. Kaka J. Bag-ao (Lone District, Dinagat Isalands). (Bert de Guzman)