NAKATAYA ang Philippine Boxing Federation bantamweight title sa duwelo nina Jhaleel Payao at Jason Tinampay sa main event ng ‘Rumble sa Talamban’ ng Omega Pro Sports International (OPSI) sa Pebrero 18 sa Talamban Sports Complex sa Cebu City.

Tangan ni Payao (14-1, 11KOs) ang malawak na karanasan bilang dating WBC Youth super flyweight champion at PBF super flyweight titlist, ngunit impresibong ang marka ni Tinampay sa 8-3-1, tampok ang pitong KO.

Sa supporting main event, magtutuos sina Omega Gym's Jimboy Haya (9-3-2, 7KOs) ang Ken Jordan (4-0).

Inaasahan din ang maaksiyong tagpo sa laban sa pagitan nina Japanese Octata Masayuki kontra Johnrey Espinosa ng compostela, Cebu at Taiwanese Ming Hong Lee kontra Wilfredo Rota.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“This is just a start for OPSI. We’ll follow this up with Who’s Next? 4 on March 18 at the Waterfront. Kenny Demecillo fights for the WBO Oriental bantamweight title in Hong Kong on March 11, while Jason Canoy fights for the WBF world bantamweight championship in South Africa on March 31,” pahayag ni OPSI President Pio Paulo Castillo.