Igigiit ng liderato ng House of Representatives na magbotohan ang partido sa kontrobersyal na death penalty bill.

Sa isang ambush interview kahapon, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tatalakayin niya ang bagay na ito sa mga miyembro ng ruling party, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), kaugnay sa paninindigan ng kanilang partido sa hakbang na muling ibalik ang capital punishment para sa mga karumal-dumal na krimen.

Idinagdag ni Alvarez na ang mga miyembro ng PDP-Laban na hindi boboto pabor sa death penalty bill ay dapat na maghain ng kanilang pagbibitiw.

“They are free to resign from the party. I will not force them of course,” ani Alvarez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito rin ang parehong kapalaran na sasapitin ng deputy speakers, committee chairmen at vice-chairmen. Sinabi ni Alvarez na papalitan ang mga lider na hindi susuporta sa prayoridad na batas ng administrasyon.

“Deputy speakers na hindi sasama doon sa administration bill, papalitan po natin. Kasi awkward na deputy speaker ka and then you don’t agree with the leadership,” aniya. (PNA)