DAGDAG na cast sa Encantadia si Inah de Belen, anak nina Janice de Belen at John Estrada at isa sa bagong Kapuso stars.
Kinumpirma niya ang tsikang siya ang gaganap sa role ni Deshna sa kanyang post sa Instagram na, “Abangan siya sa Encantadia. Malapit na!”
Ang ginamit na picture ni Inah sa post niya ay kuha habang nagti-training siya gamit ang mahabang tungkod. Parang ginamit ni Sunshine Dizon bilang si Adhara at Gabbi Garcia bilang si Alena ang nasabing tungkod.
Wala pang balita kung nagsimula nang mag-taping si Inah, pero batay sa post niya sa IG, tuluy-tuloy ang training niya kasama ang boxing. Saka, hindi siya makikila bilang si Deshna, kundi bilang si Luna.
Samantala sa Encantadia, namatay na si Pirena (Glaiza de Castro). Ang aabangan ng Encantadiks at mga nalungkot na fans ni Glaiza ay kung paano siya babalik sa Lireo. (NITZ MIRALLES)