GERONA, Tarlac — Nakatangay ng cellular phones at tablet ang isang akyat bahay gang mula sa isang bahay sa Barangay Buenlag, Gerona, Tarlac, Lunes ng madaling araw.

Sinabi ng pulisya na nawalan si Delilah Mameng, 35, may-asawa, ng Lenovo Tablet na nagkakahalaga ng P9,000; Iphone 4-S cellular phone na P6,000; LG phone na P3,000; at Samsung phone na P900.

Napag-alaman na dumaan ang kawatan sa likurang bahay at puwersahang binuksan ang isang sliding door.

Dahil sa nilikhang ingay ng mga magnanakaw ay nagising si Mameng at nakita niya na nakatakip ng panyo ang mukha ng suspek.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Dahil sa matinding takot ay nagsawalang kibo na lamang siya. (Leandro Alborote)