CAPE CANAVERAL, Fla. (AP) – Sabay na masisilayan ang full moon at comet sa isang espesyal na gabi ngayong weekend.

Magsisimula ang lahat sa lunar eclipse sa Biyernes ng gabi. Dadaan ang buwan sa anino ng Earth ngunit lubusang matatakpan ang mukha nito gaya ng full eclipse.

Lalapit naman ang Comet 45P, sa Earth sa madaling araw ng Sabado. Ito ang pinakamalapit na encounter sa pagdaan ng kometa sa layong 7 million miles. Masisilayan ang kometa sa constellation Hercules. Makikita ito sa tulong ng binocular at telescope.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Ilang buwan nang sinusubaybayan ng stargazers ang Comet 45P, na dumadating kada limang taon.